
Si Bob Ong ay naging paborito ko ng author simula ng mabasa ko ang unang libro niya na "ABNKKBSNPLKo". Nakaka enjoy basahin ito lalo na at napapaisip ka sa mga sinasabi niya. Nawili akong basahin ang mga libro kaya naman nakumpleto ko ito lahat. Lahat kasi ay kwela, masaya.... nakakagaan ng loob.
Pero ang lahat ng ito ay biglang nag- iba sa ikaanim niyang libro, ang MacArthur. Isa itong manipis at kulay pulang libro. Alam natin lahat na pag sinabing Bob Ong, ang mga libro niya ay makulit, masaya ang takbo ng kwento.Pero bigla nag-iba ang tema niya sa "MacArthur" dahil ito ay naging seryoso at may malagim na katapusan.
Sandali ko lang binasa ito dahil nga sa manipis lang pero ang dami mong matutunan. Simple lang ang kwento nito at madali mo makukuha kung ano man ang gusto sabihin ni Bob Ong.
May limang kabataan na naktira sa squatters na mayroong iba-ibang diskarte sa buhay at pamumuhay pero matindi ang pagmamalasakit at pagkakaibigan sa isa't -isa na kahit sa mga maling gawain ay magkakasama pa rin.
Sa umpisa pa lang mapapansin mo na seryoso ito dahil puro mura. Wala ang mga makukulit na banat, simpleng patawa. Puro galit, poot at hinanakit ang nandito. Mahusay ang pagkakagawa. Isa itong libro na nagsasabi kung ano ang buhay ng mga taong nabubuhay sa dilim. Di mo aakalain na gawa ito ng isang Bob Ong.
Hanggang ngayon nga di ko pa rin alam kung bakit " MacArthur" ang pamagat ng libro na ito. Iniisip ko pa rin kung bakit iyon ang naisip niya pamagat eh.
Basta malupit at astig ang libro na ito !!!! ..............
No comments:
Post a Comment